Pumunta sa nilalaman

Maligayang pagdating sa Wikipedia!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck noong 2019.
Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck noong 2019.

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie: jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug; ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ng Kaharian ng Bhutan at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck). Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ng monarkiya ng Bhutan. Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck. Pagkatapos tapusin ang kanyang pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan sa Bhutan, nag-aral si Khesar sa ibang bansa sa Akademiyang Phillips (Andover), Akademiyang Cushing at Dalubhasaang Wheaton sa Massachusetts, Mga Nagkakaisang Estado, bago magtapos sa Dalubhasaang Magdalen, Pamantasan ng Oxford, Mga Nagkakaisang Kaharian, kung saan nakumpleto niya ang Programang Ugnayang Panlabas at MPhil sa Politika. Nakapaglakbay siya sa mga iba't ibang bansa, opisyal na kumakatawan ng Bhutan sa mga iba't ibang kaganapan at may aktibong gampanin sa mga pangkultura, pang-edukasyon at pang-ekonomiyang organisasyon.

Alam ba ninyo ...

  • ...na ang mga unang nanirahan sa Roma ay mga Italikong Latin? (nakalarawan ang mapa ng mga tribung Italiko bago ang pananakop ng mga Romano)

Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.

May-akda ng larawan: Diego Delso

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
49,016
artikulo
244
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Digmaan ng Iran, 2026: Ang pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump, sa kaniyang pangunahing talumpati mula nang magsimula ang digmaan, ay nagsabing malapit nang "tapusin ng mga puwersang Estados Unidos ang gawain" at na ang mga layunin ay "malapit nang makamit". Gayunpaman, sinabi rin niya na "lubhang matinding" aatake ang Estados Unidos sa loob ng susunod na 2–3 linggo kung hindi mararating ang isang kasunduan upang wakasan ang digmaan.
  • Krisis sa pandaigdigang langis, 2026: Iminungkahi sa paunang ulat ng Senado ng Pilipinas na pag-aralan ang pagpapatupad ng pansamantalang takdang pinakamataas na presyo sa langis at posibleng rasyon sa gasolina upang harapin ang tumataas na presyo at bantang kakulangan sa panustos dulot ng krisis sa pandaigdigang langis.
  • Inilunsad ng NASA ang Artemis II (nakalarawan) mula sa Sentrong Pangkalawakan ng Kennedy sa Florida, Estados Unidos, na sakay ang mga astronaut na sina Reid Wiseman, Victor Glover, at Christina Koch, kasama ang Canadian na astronaut na si Jeremy Hansen, para sa isang pag-ikot (flyby) sa Buwan.

Sa araw na ito (Abril 28)

Ang Pamantasan ng Santo Tomas
Ang Pamantasan ng Santo Tomas

Abril 28

Mga huling araw: Abril 27Abril 26Abril 25